Tuesday, March 6, 2018

Baron Geisler, Pinakulong na ng Bayaw Alamin ang Dahilan!



Napapabalitang magsasampa daw diumano ng reklamo si Michael Robinstone Rodriguez Morales sa kanyang brother-in-law na si Baron Geisler, na binugbog niya nakaraang March 3, sa tahanan ng aktor sa Angeles City. At ngayon ay tuluyan na ngang sinampahan at nakakulong na ang aktor.


Ito ang mensaheng ipinarating ni Michael, ang asawa ni Grace na kapatid ni Baron. Hindi na napigil ni Michael ang galit laban sa aktor dahil sa mga kabastusan at panggugulo na ginagawa umano nito sa kanila at sa neighborhood nila. Sa pamamagitan ng Facebook Live na ipinost niya nitong gabi ng March 3, ikinuwento ni Michael ang dahilan ng pananakit niya kay Baron.

"He’s my brother-in-law. Lahat ng sinasabi niya, the reason why I burst into anger, hapon pa lang, lasing na siya. He barged in my house, lasing. Nagbibihis kami, going to the party, and he was totally drunk. Nagbibihis yung mag-ina [ko], papasok siya. I mean, wala siyang respeto at all kapag lasing. He does that all the time, every single day na pag umiinom siya, ganyan siya. Kaya ako, nabuhos na yung galit ko. Hindi ko na ma-take. As a father, siyempre, ayokong ginaganyan ang anak ko. Parang nababastos."




Hindi raw dun natapos ang panggugulo umano ng aktor. Nagpadala pa raw si Baron ng messages sa Facebook at tumawag sa telepono.

"After the party, I saw some messages sa Facebook that I didn’t like. But what really hurt me when we went home, he called my daughter on the phone and said something—nasty words, hurtful words. Siyempre, as a father, I didn’t like what I heard."

Dahil daw dito ay pinuntahan ni Michael at ng panganay nya na si Marge si Baron sa bahay nito.

"Sumugod si Marge dun sa bahay niya. Actually, hindi niya bahay ‘yon. Nakapangalan ‘yon under Grace’s name so, basically, ako ang kausap ng may-ari ng bahay na ‘yon. I went to the house, ang dami niyang sinasabi, sa sobrang galit ko, nanghahamon siya. What I did, he asked for it, he got it. That’s simple. ‘Yon ang gusto niya. Ilang times na gigisingin niya kami sa gabi, kaya he deserved what he did, and he’s trying to twist the story. Ako, mabait akong tao. Kahit ipagtanong niyo, mabait na mabait akong tao, pero kapag pamilya ko ang ginagago, ibang usapan na ‘yan."





Pagpapatuloy ni Michael,

"Kaya ikaw, Baron, yung mga pinagsasasabi mo sa social media, anong money-money ang pinagsasasabi mo? Si Marge, ang dami mong sinabi na hindi maganda kaya ‘yan ang nakuha mo. Ang anak ko has been going through a lot of things now. 'tapos gaganyanin mo siya. You deserve what you deserve... Nakita mo lang yung galit ko kasi akala mo mabait ako. Hindi kita papatulan. Kapag nagka-trouble ka diyan sa Balibago, kahit sa Manila, sino ang responde mo? Ako! Ako palagi ang pumupunta sa lahat ng mga kagaguhan mo. Ako ang nag-aayos. Alam mo, Baron, you deserve what you deserve!"

"I don’t regret sa ginawa ko dahil sumosobra ka na. Sumosobra ka na, hindi na tama yung ginagawa mo. If you won’t listen to family, who else? I want you to get out of this house, of this neighborhood, kasi sobra na yung ginagawa mong trouble dito. Pati yung neighborhood, 3 A.M., kumakatok ka, nambubulabog ka dito. You’re twisting everything. Now, if you’re gonna do that, ako ang makakaaway mo for the rest of your life. Tandaan mo ‘yan. Tapos, sasabihin mo, about money? You were the one who unleashed the beast of anger, of wrath in me because of what you said to Marge, and never, never do anything towards her or to my family ‘coz if you do, hindi pa tapos."

Nagbabalak daw itong sampahan ng reklamo si Baron dahil sa mga sinabi nito sa anak. Sinabihan din niya si Baron na itigil na ang pagkakalat ng "lies" sa social media.





"We’re helping you with money. Walang-wala ka na nga. Hindi ka na nga kinukuha ng industriya, masama kasi ang ugali mo, e! I’m really pissed. I’m really pissed sa mga ginagawa mo sa family ko kaya sobra-sobra na. So be it kung nabugbog kita, you deserve that. You deserve every punch that I gave you. Buti na lang, umawat na lang ang asawa ko. I’ll talk to an attorney of what you’ve been saying to Marge. Kung ang pamilya ang involved dito, Baron, kakasuhan kita. Ganoon na lang, hindi pa ako tapos sa ’yo kaya you stop spreading lies sa Facebook o sa media,” ang banta kay Baron ng kanyang brother-in-law.

Samantala, humingi rin ng paumanhin sa publiko si Michael dahil sa pagsambulat ng galit niya laban sa aktor.

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment