Thursday, February 15, 2018

Pokwang Binash na Bobo raw Mag-alaga, Pokwang nag Taray sa Social Media Dahil sa Pandadamay sa Anak!




Hindi nakatiis si Pokwang na at nanggalaiti sa puna ng isang netizens nang malapit ng mahulog sa sofa ang kanyang anak na si Baby Malia. Hindi napigil ni Pokie ang sarili na magtaray dahil inaakalang nasa hindi magandang sitwasyon ang sanggol niyang si Malia habang binabantayan ng anak niyang si Mae. Na-Beast mode si Pokwang matapos siyang akusahan ng ibang netizens na pabaya at “bobong” ina sa kanyang anak na si Malia.





Si Malia ay ang one-month-old baby ng 47-year-old comedienne sa kanyang American partner na si Lee O'Brian.

Nagsimula ito sa maiksing video na in-upload ni Pokwang sa Instagram nitong Martes, February 13.
Dito ay makikitang nakahiga sa sofa si Malia, habang katabi ang dalagang anak ni Pokwang na si Mae, na tila kinukunan ng larawan o video ang kapatid gamit ang cellphone.

Hindi nagtagal, muling nag-post si Pokwang sa Instagram, kalakip ang screenshots ng artikulong galing sa isang blog.







Laman ng artikulo ang pagpuna ng netizens na mahuhulog na raw ang sanggol dahil hindi binabantayang mabuti ng kanyang ate sapagkat busy sa kaka-cellphone nito.

Hindi naman ito pinalampas ni Pokwang.

Ayon sa post ni Pokwang, @itspokwang27," Ok nakakairita ha ang daming epal esalamat kung totoong concern kayo! Pero hindi naman ako bobo para hayaan ko malaglag ang anak ko sa sofa! Eksaheradang ang ilang nag post ng video ko sa social media nila ng wala na nga pahintulot sarap ipatumba! Tapos palalabasin na "BOBO KANG INA" at walang kwentang kapatid si Mae. Tigilan na ang pandarambong sa youtube kung saan man social media n'yo! Makarami lang kayo ng viewers kung ano anong CLICKBAIT ang ginagamit niyo  tah kayo! Ayan paki swipe n'yo pag-aralan ano nga ba ang CLICKBAIT" Wag ang anak ko baka makapatay ako dai!


Hindi kataka-takang maghurementadong si Pokwang sa kanyang post dahil pagdating talaga sa anak niya sensitive talaga ito. Pero isang follower ang pumuna kay Pokwang sa paggamit niya ng mga salitang "makakapatay ako".


Sinagot ito ni Pokwang at dinepensahan ang kanyang pahayag.

Aniya, “nanay ako at kahit sinong nanay, kahit santo, kapag anak na ang pinaguusapan, walang relihiyon. ganon ako katotoo magalit. ewan ko, ikaw pano ka?

Dugtong pa niya, "ayoko ng nagmamalinis period!!!! Tao ako hindi ako santo gets?"


Pumanig naman ang maraming netizens kay Pokwang. Pagtatanggol pa nila, form of expression ang pahayag ni Pokwang na makakapatay ito pagdating sa mga anak. Huwag daw itong gawing literal.


















Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment