Thursday, January 4, 2018

Sensitive: Philippine Embassy sa Israel, KINUKUNDENA dahil sa video na ito!



Kinukundena ngayon ang Philippine Embassy sa Israel matapos na kumalat sa social media ang isang video sa isang Christmas Party na nagmukhang Stag Party matapos na mag-hire ng mga strip teasers para pasayahin ang mga babaeng naroon.

Ayon sa balita, mga Pinay ang sangkot sa nasabing tila-Stag Party na naganap sa nasabing bansa, habang mga Israeli naman ang na-hire na strip teasers.

Makikita sa video na medyo may kalaswaan ang  ginagawa ng mga strip-teaser sa mga babaeng kalahok sa kanilang mga palaro, kung saan game na game naman ang mga ito.

Ngunit ayon sa Philippine Embassy, wala silang kinalaman sa nasabing kasayahan.

Sa katunayan umano ay nag-walk-out ang kanilang representative nang makita ang ginagawa ng mga strip-teaser sa mga Pinay na naroon.





Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment