Tuesday, October 10, 2017

Nadine Lustre Collapses When Seeing Her Brother's Remains!


Nag trending sa Twitter kahapon ang hashtag na #KeepGoing matapos kumalat online ang balita nag pakamatay ang kapatid ni Nadine Lustre. Wala pang opisyal na pahayag as of presstime, kapansin-pansin naman ang pagkaka-repost sa Facebook at Instagram accounts ng batang aktres ng post ng boyfriend niyang si James Reid ng isang image ng semicolon.

May ganun ding post sa Facebook at Instagram accounts ng Viva Artist Agency (VAA), kung saan nakakontrata ang magka love team. Sa pagre-research ng press, ang semicolon ay kumakatawan sa tinatawag na “Project Semicolon” isang movement na sinimulan ng international Mental Health Advocate na si Amy Bleuel matapos maulila sa ma dahil sa pagpapakamatay taong 2013. 

Nakikilala raw ang mga taga-suporta nito sa pamamagitan ng semicolon tattoo. Sa mag kaparehong post na JaDine tandem, bumuhos ang suporta ng kanilang mga tagahanga na nagsabi pang dapat ay magpakatatag si Nadine at magpatuloy lang sa buhay at career “keep goin.” Layon nito na maging support group sa mga taong dumaraan sa depresyon, adiksyon, self-injury at pagpapakamatay. 

Kahapon ay wala sa ’It’s Showtime” Nadine. Pero, ang nasagap naming kwento, nu’ng Monday ay ang unang gabi ng burol ni Ice. Restricted sa family and friends ang viewing, hinimatay si Nadine nang makita ang pinakamamahal niyang kapatid na pumanaw na.

Nakikiramay kami sa pamilya ni Nadine sa isang nakakalungkot na pangyayaring ito sa kanilang pamilya. Nananalangin kami ng katatagan at kapayapaan para sa pamilya Lustre.
  - Mr. Tsismoso YT Channel





Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment